Mga Awit 69:21-26 Ang Biblia (TLAB)

21. Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait; at sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom.

22. Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang; at maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan.

23. Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita; at papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang.

24. Ibugso mo ang iyong galit sa kanila, at datnan sila ng kabangisan ng iyong galit.

25. Magiba ang tahanan nila; walang tumahan sa kanilang mga tolda.

26. Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan, at sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.

Mga Awit 69