Mga Awit 67:1-7 Ang Biblia (TLAB)

1. Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami, at pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)

2. Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa.

3. Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan.

4. Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)

5. Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan.

6. Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga: ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.

7. Pagpapalain kami ng Dios: at lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya.

Mga Awit 67