Mga Awit 55:1-5 Ang Biblia (TLAB)

1. Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; at huwag kang magkubli sa aking pananaing.

2. Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako: ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;

3. Dahil sa tinig ng kaaway, dahil sa pagpighati ng masama; sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin, at sa galit ay inuusig nila ako.

4. Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko: at ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.

5. Katakutan at panginginig ay dumating sa akin, at tinakpan ako ng kakilabutan.

Mga Awit 55