Mga Awit 48:11-14 Ang Biblia (TLAB)

11. Matuwa ka bundok ng Sion, magalak ang mga anak na babae ng Juda, dahil sa iyong mga kahatulan.

12. Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya: inyong saysayin ang mga moog niyaon.

13. Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta, inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi.

14. Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: siya'y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan.

Mga Awit 48