Mga Awit 48:1-5 Ang Biblia (TLAB)

1. Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok.

2. Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari.

3. Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.

4. Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama.

5. Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila; sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas.

Mga Awit 48