Mga Awit 40:15-17 Ang Biblia (TLAB)

15. Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan na nangagsasabi sa akin, Aha, aha.

16. Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo: yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay mangagsabi nawang palagi, Ang Panginoon ay dakilain.

17. Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan; Gayon ma'y inalaala ako ng Panginoon: Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas; huwag kang magluwat, Oh Dios ko.

Mga Awit 40