Mga Awit 38:2-9 Ang Biblia (TLAB)

2. Sapagka't ang iyong mga pana ay nagsitimo sa akin, at pinipisil akong mainam ng iyong kamay.

3. Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit; ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan.

4. Sapagka't ang aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo: gaya ng isang pasang mabigat ay napakabigat sa akin.

5. Ang aking mga sugat ay mabaho, at putokputok, dahil sa aking kamangmangan.

6. Ako'y nahirapan at ako'y nahukot; ako'y tumatangis buong araw.

7. Sapagka't ang aking mga balakang ay lipos ng hirap; at walang kagalingan sa aking laman.

8. Ako'y nanglalata, at bugbog na mainam: ako'y umangal dahil sa kaba ng aking loob.

9. Panginoon, lahat ng aking nais ay nasa harap mo; at ang aking hibik ay hindi lingid sa iyo.

Mga Awit 38