Mga Awit 38:14-17 Ang Biblia (TLAB)

14. Oo, ako'y gaya ng tao na hindi nakakarinig, at sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan.

15. Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon ay umaasa ako: ikaw ay sasagot, Oh Panginoon kong Dios.

16. Sapagka't aking sinabi: Baka ako'y kagalakan nila: pagka ang aking paa ay nadudulas, ay nagsisipagmataas sila laban sa akin.

17. Sapagka't ako'y madali ng mahulog, at ang aking kapanglawan ay laging nasa harap ko.

Mga Awit 38