Mga Awit 17:1-3 Ang Biblia (TLAB)

1. Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing; ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.

2. Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan; masdan ng iyong mga mata ang karampatan.

3. Iyong sinubok ang aking puso; iyong dinalaw ako sa kinagabihan; iyong nilitis ako, at wala kang nasumpungan; ako'y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang.

Mga Awit 17