Mga Awit 150:1-4 Ang Biblia (TLAB)

1. Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.

2. Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.

3. Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak: purihin ninyo siya ng salterio at alpa.

4. Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw: purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta.

Mga Awit 150