2. Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya: magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
3. Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw: magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
4. Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan: kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.
5. Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian: magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
6. Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios, at tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;