Mga Awit 139:22-24 Ang Biblia (TLAB)

22. Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan: sila'y naging mga kaaway ko.

23. Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:

24. At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.

Mga Awit 139