Mga Awit 13:3-6 Ang Biblia (TLAB)

3. Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios: liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan;

4. Baka sabihin ng aking kaaway, ako'y nanaig laban sa kaniya; baka ang aking mga kaaway ay mangagalak pagka ako'y nakilos.

5. Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob. Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:

6. Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't ginawan niya ako ng sagana.

Mga Awit 13