1. Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon,
2. Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
3. Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
4. Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
5. Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.