Mga Awit 121:5-8 Ang Biblia (TLAB)

5. Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan.

6. Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi.

7. Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa.

8. Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Mga Awit 121