1. Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako.
2. Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila.
3. Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila?
4. Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro.