Mga Awit 119:68-77 Ang Biblia (TLAB)

68. Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.

69. Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin: aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.

70. Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo; nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.

71. Mabuti sa akin na ako'y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.

72. Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak.

73. Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay: bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.

74. Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa; sapagka't ako'y umasa sa iyong salita;

75. Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati.

76. Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob, ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.

77. Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay: sapagka't ang kautusan mo'y aking kaaliwan.

Mga Awit 119