67. Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
68. Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
69. Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin: aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
70. Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo; nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.
71. Mabuti sa akin na ako'y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
72. Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak.