Mga Awit 119:38-45 Ang Biblia (TLAB)

38. Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo.

39. Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.

40. Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran.

41. Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.

42. Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.

43. At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.

44. Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man.

45. At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.

Mga Awit 119