Mga Awit 119:23-37 Ang Biblia (TLAB)

23. Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.

24. Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo.

25. Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.

26. Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.

27. Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.

28. Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.

29. Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.

30. Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.

31. Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.

32. Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso.

33. Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas.

34. Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso.

35. Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan.

36. Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman.

37. Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan.

Mga Awit 119