Mga Awit 119:170-174 Ang Biblia (TLAB)

170. Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita.

171. Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.

172. Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.

173. Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin.

174. Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan.

Mga Awit 119