Mga Awit 119:167-173 Ang Biblia (TLAB)

167. Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo; at iniibig kong mainam,

168. Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.

169. Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.

170. Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita.

171. Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.

172. Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.

173. Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin.

Mga Awit 119