Mga Awit 119:140-148 Ang Biblia (TLAB)

140. Ang salita mo'y totoong malinis; kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.

141. Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.

142. Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan.

143. Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.

144. Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.

145. Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.

146. Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo.

147. Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako: ako'y umasa sa iyong mga salita.

148. Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, upang aking magunita ang salita mo.

Mga Awit 119