Mga Awit 119:138-141 Ang Biblia (TLAB)

138. Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat.

139. Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.

140. Ang salita mo'y totoong malinis; kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.

141. Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.

Mga Awit 119