Mga Awit 119:125-129 Ang Biblia (TLAB)

125. Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa; upang aking maalaman ang mga patotoo mo,

126. Kapanahunan sa Panginoon na gumawa; sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.

127. Kaya't aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.

128. Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; at ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.

129. Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.

Mga Awit 119