12. Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
13. Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
14. Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan.
15. Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan.
16. Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita.
17. Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.
18. Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
19. Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
20. Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
21. Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
22. Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.
23. Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
24. Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo.