Mga Awit 119:102-108 Ang Biblia (TLAB)

102. Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; sapagka't iyong tinuruan ako.

103. Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!

104. Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.

105. Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.

106. Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.

107. Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.

108. Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.

Mga Awit 119