Mga Awit 119:1-11 Ang Biblia (TLAB)

1. Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.

2. Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.

3. Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.

4. Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap.

5. Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo!

6. Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.

7. Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.

8. Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos.

9. Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.

10. Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.

11. Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.

Mga Awit 119