Mga Awit 118:6-13 Ang Biblia (TLAB)

6. Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin?

7. Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.

8. Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao.

9. Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.

10. Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.

11. Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.

12. Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.

13. Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal: nguni't tulungan ako ng Panginoon.

Mga Awit 118