16. Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17. Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
18. Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
19. Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20. Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid.
21. Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22. Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok.
23. Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24. Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
25. Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
26. Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.