Mga Awit 118:1-8 Ang Biblia (TLAB)

1. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

2. Magsabi ngayon ang Israel, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

3. Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

4. Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

5. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako.

6. Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin?

7. Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.

8. Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao.

Mga Awit 118