Mga Awit 114:1-5 Ang Biblia (TLAB)

1. Nang lumabas ang Israel sa Egipto, ang sangbahayan ni Jacob mula sa bayang may ibang wika;

2. Ang Juda ay naging kaniyang santuario, ang Israel ay kaniyang sakop.

3. Nakita ng dagat, at tumakas; ang Jordan ay napaurong.

4. Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa, ang mga munting gulod na parang mga batang tupa.

5. Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas? sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong?

Mga Awit 114