Mga Awit 11:4-7 Ang Biblia (TLAB)

4. Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo, ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit; ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao.

5. Sinusubok ng Panginoon ang matuwid; nguni't ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa.

6. Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo; apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro.

7. Sapagka't ang Panginoon ay matuwid; minamahal niya ang katuwiran: Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha.

Mga Awit 11