Mga Awit 109:4-9 Ang Biblia (TLAB)

4. Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila: nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin.

5. At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti, at pagtatanim sa pagibig ko.

6. Lagyan mo ng masamang tao siya: at tumayo nawa ang isang kaaway sa kaniyang kanan.

7. Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin; at maging kasalanan nawa ang kaniyang dalangin.

8. Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan; at kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.

9. Maulila nawa ang kaniyang mga anak, at mabao ang kaniyang asawa.

Mga Awit 109