Mga Awit 107:1-6 Ang Biblia (TLAB)

1. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

2. Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon, na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;

3. At mga pinisan mula sa mga lupain, mula sa silanganan, at mula sa kalunuran, mula sa hilagaan at mula sa timugan.

4. Sila'y nagsilaboy sa ilang, sa ulilang landas; sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan.

5. Gutom at uhaw, ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila.

6. Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.

Mga Awit 107