31. At nabilang sa kaniya na katuwiran, sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.
32. Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba, na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:
33. Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa, at siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.
34. Hindi nila nilipol ang mga bayan, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;
35. Kundi nangakihalo sa mga bansa, at nangatuto ng kanilang mga gawa:
36. At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan; na naging silo sa kanila:
37. Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,
38. At nagbubo ng walang salang dugo, sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae, na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan; at ang lupain ay nadumhan ng dugo.
39. Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa, at nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.
40. Kaya't nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan, at kinayamutan niya ang kaniyang pamana.
41. At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa; at silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.
42. Pinighati naman sila ng kanilang mga kaaway, at sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.
43. Madalas na iligtas niya sila; nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo, at nangababa sila sa kanilang kasamaan.
44. Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan, nang kaniyang marinig ang kanilang daing:
45. At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan, at nagsisi ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
46. Ginawa naman niyang sila'y kaawaan niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.