Mga Awit 106:28-37 Ang Biblia (TLAB)

28. Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor, at nagsikain ng mga hain sa mga patay.

29. Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa; at ang salot ay lumitaw sa kanila.

30. Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan: at sa gayo'y tumigil ang salot.

31. At nabilang sa kaniya na katuwiran, sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.

32. Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba, na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:

33. Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa, at siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.

34. Hindi nila nilipol ang mga bayan, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;

35. Kundi nangakihalo sa mga bansa, at nangatuto ng kanilang mga gawa:

36. At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan; na naging silo sa kanila:

37. Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,

Mga Awit 106