13. Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa; hindi sila naghintay sa kaniyang payo:
14. Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang, at tinukso ang Dios sa ilang.
15. At binigyan niya sila ng kanilang hiling; nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
16. Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento, at si Aaron na banal ng Panginoon.
17. Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan, at tinakpan ang pulutong ni Abiram.
18. At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong; sinunog ng liyab ang mga masama,
19. Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo.
20. Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
21. Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas, na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
22. Kagilagilalas na mga gawa sa lupain ng Cham, at kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
23. Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila, kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak, upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.
24. Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain, hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;
25. Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda, at hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.