3. Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok, at ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
4. Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at natuyo; sapagka't nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
5. Dahil sa tinig ng aking daing ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
6. Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
7. Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan.
8. Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw; silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
9. Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay, at hinaluan ko ang aking inumin ng iyak.
10. Dahil sa iyong galit at iyong poot: sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
11. Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling; at ako'y natuyo na parang damo.
12. Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man; at ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
13. Ikaw ay babangon at maaawa sa Sion: sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya, Oo, ang takdang panahon ay dumating.
14. Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato, at nanghihinayang sa kaniyang alabok.
15. Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang pangalan ng Panginoon. At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
16. Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion, siya'y napakita sa kaniyang kaluwalhatian;