Mateo 5:2-8 Ang Biblia (TLAB)

2. At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi,

3. Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

4. Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.

5. Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa.

6. Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.

7. Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.

8. Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.

Mateo 5