50. At muling sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, at nalagot ang kaniyang hininga.
51. At narito, ang tabing ng templo'y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba; at nayanig ang lupa; at nangabaak ang mga bato;
52. At nangabuksan ang mga libingan; at maraming katawan ng mga banal na nangakatulog ay nangagbangon;