Mateo 27:42-44 Ang Biblia (TLAB)

42. Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya.

43. Nananalig siya sa Dios; iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi niya, Ako'y Anak ng Dios.

44. At minumura din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus.

Mateo 27