16. Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:
17. Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay:
18. At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
19. Datapuwa't sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon!
20. At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man: