Marcos 9:47-50 Ang Biblia (TLAB)

47. At kung ang mata mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Dios na may isang mata, kay sa may dalawang mata kang mabulid sa impierno;

48. Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy.

49. Sapagka't bawa't isa'y aasnan sa pamamagitan ng apoy.

50. Mabuti ang asin: datapuwa't kung tumabang ang asin, ay ano ang inyong ipagpapaalat? Taglayin ninyo sa inyong sarili ang asin, at kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa isa't isa.

Marcos 9