1. At nagsidating sila sa kabilang ibayo ng dagat sa lupain ng mga Gadareno.
2. At paglunsad niya sa daong, pagdaka'y sinalubong siya na galing sa mga libingan ng isang lalake na may isang karumaldumal na espiritu,
3. Na tumatahan sa mga libingan: at sinoma'y hindi siya magapos, kahit ng tanikala;
4. Sapagka't madalas na siya'y ginapos ng mga damal at mga tanikala, at pinagpatidpatid niya ang mga tanikala, at pinagbabalibali ang mga damal: at walang taong may lakas na makasupil sa kaniya.
5. At palaging sa gabi't araw, ay nagsisisigaw sa mga libingan at sa mga kabundukan, at sinusugatan ang sarili ng mga bato.
6. At pagkatanaw niya sa malayo kay Jesus, ay tumakbo at siya'y kaniyang sinamba;