1. At nang siya'y pumasok uli sa Capernaum pagkaraan ng ilang araw, ay nahayag na siya'y nasa bahay.
2. At maraming nagkatipon, ano pa't hindi na magkasiya, kahit sa pintuan man: at sa kanila'y sinaysay niya ang salita.
3. At sila'y nagsidating, na may dalang isang lalaking lumpo sa kaniya, na usong ng apat.