Marcos 10:2-5 Ang Biblia (TLAB)

2. At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, at siya'y tinanong, Matuwid baga sa lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa? na siya'y tinutukso.

3. At sumagot siya at sa kanila'y sinabi, Ano ang iniutos sa inyo ni Moises?

4. At sinabi nila, Ipinahintulot ni Moises na ilagda ang kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay siya.

5. Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay inilagda niya ang utos na ito.

Marcos 10