Lucas 8:8-11 Ang Biblia (TLAB)

8. At ang iba'y nahulog sa mabuting lupa, at tumubo at nagbunga ng tigiisang daan. Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay sumigaw, Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.

9. At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, kung ano kaya ang talinghagang ito.

10. At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.

11. Ito ang talinghaga: Ang binhi ay ang salita ng Dios.

Lucas 8