Lucas 3:18-22 Ang Biblia (TLAB)

18. Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita;

19. Datapuwa't si Herodes na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes,

20. Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan.

21. Nangyari nga, nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at nang nananalangin, ay nabuksan ang langit,

22. At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.

Lucas 3