Lucas 3:16-30 Ang Biblia (TLAB)

16. Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy:

17. Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, upang linising lubos ang kaniyang giikan, at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan; datapuwa't susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.

18. Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita;

19. Datapuwa't si Herodes na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes,

20. Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan.

21. Nangyari nga, nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at nang nananalangin, ay nabuksan ang langit,

22. At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.

23. At si Jesus din, nang magpasimula siyang magturo ay may gulang na tatlongpung taon, na anak (ayon sa sinasapantaha) ni Jose, ni Eli,

24. Ni Matat, ni Levi, ni Melqui, ni Jane, ni Jose,

25. Ni Matatias, ni Amos, ni Nahum, ni Esli, ni Nage,

26. Ni Maat, ni Matatias, ni Semei, ni Jose, ni Juda,

27. Ni Joana, ni Resa, ni Zorobabel, ni Seatiel, ni Neri,

28. Ni Melqui, ni Adi, ni Cosam, ni Elmodam, ni Er,

29. Ni Jesus, ni Eliezer, ni Jorim, ni Mata, ni Levi,

30. Ni Simeon, ni Juda, ni Jose, ni Jonan, ni Eliaquim,

Lucas 3